January 19, 2025

100-K JEEPNEY DRIVER, OPERATOR LALAHOK SA NATIONWIDE TRANSPORT STIKE

TINATAYANG nasa 100,000 na jeepney driver at operator ang inaasahang lalahok sa tatlong araw na tigil-pasada na pangungunahan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON).

Kasama rin ang iba’t ibang local associations at iba’t ibang federations na nagpaabot na sila ay makikiisa,”  ayon kay PISTON national president Mody.

Hinimok din ng PISTON ang iba pang transport groups na lumahok sa protesta subalit wala pa itong mga tugon.

Magsasagawa ng nationwide strike ang PISTON mula Nobyembre 20 hanggang 22 para iprotesta ang December 31, 2023 deadline ng gobyerno sa Public Utility Vehicle Moderation Program (PUVMP).

Nabatid na ang PUV modernization program ay sinimulan noong 2017, sa layunin na palitan ang mga jeepney ng Euro 4-compliant engine para mabawasan ang polusyon.

Tinututulan ito ng mga operators dahil aabot ang kanilang gastusin ng mahigit P2 milyon.

Nilinaw naman ng mga Transport officials na maaari pang mag-operate ang mga tradisyunal na jeepney kahit na lumampas ang deadline kaya lamang dapat na lumahok sa transport cooperatives para maiwasan ang “on-street competition” sa panig ng drivers at operators.

Nalaman na noong Hunyo 30,2023 ang orihinal na deadline pero pinalawig pa ito kasunod ng anunsiyo na transport strikes noong Marso 6 hanggang 12.