December 23, 2024

10 ilegal na dayuhan, ipinadeport ng BI


       MANILA – Pinatapon ng Bureau of Immigration pauwi sa kanilang bansa ang 10 pang ilegal na dayuhan na nakakulong sa warden facility sa Taguig City.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang naturang deportations ay bahagi ng programa ng BI na lumuwag at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa detention facility nito  na matatagpuan sa Camp Bagong Diwa.

      “We will continue to send home these foreign inmates once they have been issued deportation orders and provided they have no pending criminal cases in court,” ayon kay BI chief.

      Dagdag pa niya, inatasan nito ang BI legal division na pabilisin ang resolusyon sa pagpapa-deport laban sa mga dayuhang detainees upang agad silang mapabalik sa kani-kailang bansa.

 “We are doing this to safeguard the health not only of the foreign detainees but also that of our personnel assigned to our warden facility,” sambit ng BI chief.

Ayon naman kay BI port operations chief Grifton Medina, ang sampung deportee ay umalis mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng magkakahiwalay na flight ng tatlong airlines pauwi ng Chine noong Hunyo 19, 24 at 25.

Sinabi rin ni Medina na walo sa mga deportee ay mga Chinese nationals habang ang dalawa ay Mongolians,”

“All of them have been placed in the immigration blacklist of undesirable aliens upon orders of our board of commissioners, thus they are now banned from re-entering the Philippines,”.

Napag-alaman na ang limang Chinese deportee ay mga pugante na wanted sa economic crime kaugnay sa pagkakasangkot sa illegal online gaming operations at telecom fraud.

Ang tatlo namang Chinese nationals ay ipinadeport dahil sa pagiging overstaying nito at pagggawa ng panloloko at panlilinlang habang ang dalawang Mongolians ay mga umanong babaeng sex workers na nahuli sa isang raid sa isang prostitution den sa Metro Manila noong nakaraang taon.