May 22, 2024

Nauwi sa sakitan ang pagtatalo | LIVE-IN PARTNER KINADYOT NG SAKSAK

MALUBHANG nasugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang live-in partner makaraang mauwi sa sakitan ang kanilang pagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

          Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang braso ang biktimang si Jason Ollodo, 23, walang trabaho ng No. 101 Asero St. Brgy. Tugatog habang nadakip naman ang suspek na si Maria Veronica Caayohan alyas “Nica”, 23.

          Lumabas sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa no. 94 C Perez St. Brgy. Tonsuya kung saan nauwi sa pisikal na paghaharap ang pagtatalo ng mag live-in partner.

          Para mapatigil, sinapak ng lalaki ang ka-live-in subalit nagawa namang makahablot ng kitchen knife ang suspek at sinaksak sa kaliwang braso ang biktima.

          Ilang concerned citizens na nakasaksi sa insidente ang umawat sa suspek habang isinugod naman ang biktima ng kanyang step mother sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa TMC hospital.

(JUVY LUCERO)