May 15, 2024

Voters registration sinuspinde muli ng Comelec

PINALAWIG pa ng Commission on Elections o Comelec ang suspensyon ng  pagpaparehistro ng mga botante.

Sinabi ni  Comelec Executive Director and Spokesman James Jimenez na hanggang sa Agosto 31, 2020 ang suspensyon ng voters registration sa lahat ng Comelec offices sa buong Pilipinas.

Pinaliwanag ni Jimenez na nagpasya ang Comelec na muliby palawigin ang suspensyon ng voters registration ng hanggang dalawang buwan dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Patuloy din aniya ang paghahanda ng Comelec at bumibili ng mga  gamit upang maging “COVID-19 ready.”

Plinaplansta na rin aniya ng Comelec ang kanilang mga panuntuna at health safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na sa kanilang mga tanggapan. Noong Marso 9, ang lahat ng Comelec offices sa buong bansa ay inatasan na suspendihin ang voters registration hanggang March 31, bilang pag-iingat sa Covid 19 ngunit pinalawig  ng dalawang beses o noong April 30 at ngayong June 30.