April 26, 2024

WWE LEGEND AT AKTOR NA SI ‘THE ROCK’, NAGRELEASED NG RAP SONG

Nagreleased si Dwayne ‘ The Rock’ Johnson ng kanyang sariling rap song. Ayon sa WWE legend at Hollywood star, nabuo ang kanta kasama si Tech N9ne at King ISO. Kung saan, naging matagumpay ang collaboration niya sa mga rappers.

Kasama rin dito si Joey Cool. Ang kanta ay kasam rin sa newest album ni King ISO na ‘Asin9ne’.
“Honored to add some Rock gasoline to their FIRE,” post nito sa Twitter.


“Im excited for you to hear this song, I think you’re gonna dig it,” dagdag nito.
Ang pamagat ng kanta ay ‘Faceoff’ na marami ang nagandahan sa kanta. Katunayan, pinuri ng ilang celebrities, fans at kapwa wrestler si The Rock.


Kabilang na rito si Audrey Thomas, Eiva Varulf at Kimi Schmitz.