April 26, 2024

TULONG NG “TEAM BUGHAW” SA CALOOCAN, TULOY!

MALIGAYANG ibinahagi ni Congressman Egay Erice ang pamimigay ng tulong ng “Team Bughaw” sa mga residente ng Barangay 26 at Barangay 30 sa Caloocan City.

Kasama ni Erice na namahagi ng humanitarian assistance sina Konsehal PJ Malonzo, Konsehal Wewel De Leon at Dennis Padilla.

Simula nang pumutok ang COVID-19 noong nakaraang taon, ay nagtuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Team Bughaw sa mga taga-Caloocan na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya.

Patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga taga-Caloocan.