April 27, 2024

TRICYCLE DRIVER HULI SA SHABU SA CHECKPOINT

Bagsak sa kulungan ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng shabu sa isang checkpoint habang sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Rodel Deran, 38, tricycle driver ng #81 S. Cristobal St. Karuhatan na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-2:30 ng hapon, nagsasagawa ng checkpoint sa harap ng Sea Oil Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan ang mga tauhan ng Sub-Station 9 sa pangunguna ni PLT Francisco Tanagan nang parahin ni Pat. Sunny Mercado at PCpl Darwin Orale si Deran na sakay ng isang motorsiklo.

Nang hingin ang kanyang driver license para sa berepikasyon, nakita ni Pat. Mercado ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya’t agad inaresto ang suspek at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang isa pang plastic sachet ng hinihinalng shabu.

Tinatayang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P17,000 at isang kulay asul na Rusi motorcycle na walang plaka ang narekober sa suspek.