April 26, 2024

‘TEAM BUGHAW’ NAMAHAGI NG HUMANITARIAN ASSISTANCE SA CALOOCAN

Nakiisa ang “Team Bughaw” sa pangunguna ni Congressman Egay Erice sa pagtulong sa mga residente ng Barangay 178 sa Caloocan City na apektado ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19).

Katuwang ang mga konsehal na sina PJ Malonzo, Cong Recom Echiverri, Atty Nico Camayo, Atty King Echiverri, Rudy Brin, Ato Oliva, Hazel Segui Quinto, at Joma Ramirez para mamahagi ng humanitarian assistance sa mga kababayan nito sa naturang lugar.


Nais ng “Team Bughaw” na tulungan ang mga nangangailangan partikular sa mga panahong ito na kapos ang karamihan dahil sa pandemic.

Isa lamang ang “Team Bughaw” sa mga kumikilos para tumulong sa coronavirus fight.