April 26, 2024

Sen. Imee Marcos nanguna sa pamamahagi ng tulong sa 1,000 pamilya sa Isabela

PINANGUNAHAN ni Senator Imee Marcos ang pamamahagi ng assistance to individuals in crisis situations (AICS) sa 1,000 pamilya na naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo ngayong araw, sa Ramon Community Center sa Isabela.

Nakatanggap ang AICS beneficiaries ng tig-P3,000 at isang kaban ng bigas mula sa Provincial Government ng Isabela.

Pinasalamatan ni Gov, Rodito Albano III si Sen. Marcos na magiliw nilang tinawag na “super ate” sa pag-abot sa marginalized sector sa Ramon at sa personal na pagbisita nito sa Magat Dam.