April 26, 2024

ROBREDO SA PAGPANAW NI NOYNOY: NAKADUDUROG NG PUSO

Sa pamamagitan ng Twitter ay ipinaabot ni Vice President Leni Robredo ang kanyang maigsing mensahe nang malaman ang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino kaninang madaling araw.

“Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si PNoy,” ang bahagi ng tweet ni Robredo.

Sinabi pa nito na mabuting kaibigan at tapat na pangulo si Aquino.

“He tried to do what was right, even when it was not popular. Tahimik at walang pagod siyang nagtrabaho para makatulong sa marami. He will be missed. Nakikiramay ako sa kanyang pamilya,” sabi pa nito patungkol sa namayapang ika-15 pangulo ng bansa.

Magkasama ang dalawa sa Liberal Party.

Ang namayapang asawa ni Robredo, si Jesse Robredo, ang isa sa mga unang itinalaga ni Aquino sa kanyang gabinete pag-upo niya sa Malakanyang noong 2010 bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government.