April 26, 2024

Pinay OFW Rodelia Villar, pinarangalan bilang Lion Rock People’s Choice Award

Binigyan ng gawad pagkilala bilang isang ‘unsung heroes’ ang isang Pinay domestic helper sa Hongkong. Ito ay sa katauhan ni Rodelia Pedro Villar.

Ginawaran si Villar sa 8th of Hong Kong Awards. Siya ang first Filipina na nakatanggap ng Lion Rock People’s Choice Award. Ang parangal ay ibinibigay sa mga indibidwal na nakagawa ng kawanggawa sa kani-kanilang pamayanan.

Kapwa tinulungan ni Villar sa aspektong material at psychological support sa mga domestic helper ng Hong Kong. Ito ay ipinaabot sa pamamagitan ng grupo niyang Domestic Workers Corner.

Tinutulungan din ng grupo ang mga domestic helper na biktima ng sexual harassment, contract dispute at romance scam. Aniya, unexpected niyang manomina sa nasabing parangal, sa loob 17 years sa Hong Kong

 “It’s an honor to be the first Filipina nominated,”aniya sa SCMP. Ang award ay iprinisinta kay Villar ni SCMP CEO Gary Liu.