April 27, 2024

MARCOS TUMULAK PATUNGONG THAILAND PARA SA APEC MEETING

Nasa Thailand na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para sa dadaluhang AsiaPacific Economic Cooperation o  Apec Leaders’ Meeting.

Dumating si Pangulong Marcos sa Don Mueang International Airport, ala sais kagabi, oras sa pilipinas, lulan ng Flight PR001.


Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang Philippine Delegation, sa apat na araw na pananatili sa Thailand.

Ayon sa Office of The Press Secretary, inaasahan ang pulong sa pagitan ng First Couple at ng hari at reyna ng Thailand na siyang host ng APEC Leaders and Spouses.

Magkakaroon din ang Pangulo ng anim na Bilateral Meetings sa sidelines ng summit, na dadaluhan ng mga lider at kinatawan mula sa 21 Member Economies, kabilang ang Pilipinas.

Nakatakda rin ang pulong ni Pangulong Marcos sa Thai Businessmen, pati na ang pagharap nito sa Filipino Community sa Thailand.