April 26, 2024

NENE ITINAPON SA ILOG; POSIBLENG GINAHASA PA

WALA nang buhay nang matagpuan na palutang-lutang sa ilog ang 8-anyos na babae sa Nasugbu, Batangas.



Walang suot na pang-ibabang saplot at nagtamo ng sugat sa kanang bahagi nang matagpuan ang naturang bata.

Ayon sa pulisya, posibleng hinamapas muna sa ulo ang biktima

Sinabi ng mga awtoridad na posibleng hinampas muna sa ulo ang biktima bago sinakal.

Ayon sa isang saksi, huli niyang nakita na buhay ang biktima ala-una ng hapon ng Hunyo 8.

Kasama ng bata ang kapitbahay nitong suspek na naglalakad sa ilog.

Dinakip ang kapitbahay sa follow-up operation.

Hinihintay pa ang medico-legal findings para matukoy kung ginahasa ang biktima.