April 26, 2024

NANG DAHIL KINA BANTAY, DISKARIL ANG PAGNANAKAW NG AKYAT-BAHAY

Nang dahil kina ‘Bantay’, isang akyat-bahay ang nagdiskaril sa tangkang pagnanakaw nito. Ang dalawang aso ay pets ni Trisha Mae Buri ng Masbate City. Aniya, na-curious siya dahil tahol nang tahol ang kanyang mga alaga.


Nangyari ito noong nakaraang linggo. Dahil sa kakatahol nina ‘Roscoe’ at ‘Smile’, nagising siya bandang ala 1:00 ng madaling araw.


Tapos, may narinig po ako na yabag ng mga paa at narinig ko na may binubuksang zipper ng bag sa baba, sa bandang sala, kaya naisip ko kaagad ang laptop ni Papa, kaya sumigaw agad ako,” ani Trisha.
Bumaba raw ang parents ni Trisha upang i-check ang 1st floor ng kanilang bahay.

Ngunit, wala naman silang napansing kahina-hinala. ‘O wala ring nakitang tao. Pero, ayaw pa ring tumigil sa kakatahol ang dalawang aso.


Ngunit nang bumaba na raw ang mga magulang ni Trisha upang i-check ang kanilang unang palapag, wala naman silang napansin o nakitang kahit na sino.


Kaya naman, tsinek ng kanyang papa ang kusina. Napansin nitong nakaawang ang panel ng pinto ng cabinet. Dito na nla nabuko ang kawatan nang buksan ang pinto. Todo sigaw naman si Trisha upang humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.


Nahuli ang magnanakaw ay dinala ito sa barangay hall. Bago rumekta sa kanilang bahay, nakapagharbat na ang sspek ng ilang gamit sa kanilang kapitbahay. Dahil sa nangyari, binigyan nina Trisha ng award ang dalawang pets. Ipinaghanda rin nila ng pagkain ang dalawang ‘ Hero Dogs’.