April 26, 2024

MUSLIM LEADERS AT SPD MAGKAKAPIT-BISIG PARA SA PEACE AND ORDER

Magkakaroon ng pagpupulong ang Southern Police District at mga Muslim leader sa Blue Mosque, Maharlika Village, Brgy. Maharlika, Taguig City.

Ayon sa Southern Police District bukod sa pagpupulong magkakaroon din ng Signing of Peace Covenant sa pagitan ng mga Muslim leaders at SPD na pangungunahan ni SPD Director Police PBGen. Jimili Macaraeg.

Ituturo rin ng SPD sa mga Muslim official ang kanilang magiging papel  sa pakikipag-tulungan sa mga otoridad sa pagsugpo sa krimen.

Nakatakda ding dumating si NCRPO chief PMAJ General Vicente Danao upang saksihan ang activities na inaasahang makakatulong sa pagpapatupad ng peace and order sa lungsod ng Taguig. Makakatulong din umano ang Muslim community sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa pagsugpo sa kriminalidad at maging sa pagkalat ng illegal na droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad sa mga nangyayari sa kanilang kumunidad.