April 26, 2024

MGA HAYOP SA OAKLAND ZOO, TINURUKAN NG COVID-19 VACCINE

OAKLAND, Calif. (AP) β€” Binakunahan kontra COVID-19 ang mga hayop sa Oakland Zoo gamit ang experimental vaccine. Ang mga hayop na nabakunahan ay ang leon, oso at tigre. Nakahimlay ang Oakland Zoo sa San Francisco Bay Area.

Ang vaccination ay ikinasa bilang national effort upang maprotektahan ang mga hayop doon. Kabilang sa unang nabakunahan sina Ginger at si Molly na pawang mga tigre.

Ang mga doses ay dinoneyt at dinevelop ng veterinary pharmaceutical Zoetis sa New Jersey. Ayon kay Alex Heyman, vice president of veterinary services sa zoo, wala sa alimang hayop doon ang mayroong virus. Pero, kailangan nilang maging proactive.

Inuna nilang bakunahan ang mga tigre, black at grizzly bears, mountain lions at ferrets. Naturukan na sila ng first at second dosage. Susunod nilang babakunahan ay ang primates at mga baboy.

Sa kanilang vaccinations, gumamit ng barriers o harang ang zoo para sa social distancing. Nagsuot naman ng protective gears ang staffs. Sa gayun ay maprotektahan ang mga susceptible species.

β€œWe’re happy and relieved to now be able to better protect our animals with this vaccine,” ani Heyman.