April 26, 2024

JORDAN CLARKSON, TUMULONG SA RESTORATION NG NA-VANDALIZED NA FOOD TRUCK NA PAGMAMAY-ARI NG MGA PINOY

Agad na sumaklolo si Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa Filipino owners ng isang Yum Yum Food Truck. Ito'y matapos ma-vandalized ng anti-Asian graffiti
Agad na sumaklolo si Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa Filipino owners ng isang Yum Yum Food Truck. Ito'y matapos ma-vandalized ng anti-Asian graffiti

Agad na sumaklolo si Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa Filipino owners ng isang Yum Yum Food Truck. Ito’y matapos ma-vandalized ng anti-Asian graffiti

Nang malaman ito ng NBA Sixth Man of the Year, nag-alok siya ng tulong sa may-ari na naniniraan sa Utah. Aniya, nalungkot siya sa insidente dahil hindi lgtas ang mga Filipino sa Asian hate.

Kaya naman, agad na na-restored ang food truck at nabalik sa dati nitong hitsura. masaya si Jordan sa kanyang nagawang tulong sa mga kababayan.

“It hurt me deeply to see that Salt Lake’s @yumyumasian food truck was recently vandalized,” saad ni Jordan Clarkson.

“I know the pain that hateful language and racism causes,”aniya.

“I stand in solidarity with Utah’s Filipino community. Love is more powerful than hate! #utahfilipino #StopAAPIHate,” giit ni Jordan sa kanyang Twitter account.

Labis naman ang pasasalamat ng owners ng food truck kay Clarkson. Kung saan, nagsabi pa ito na handang tumulong sa Filipino community sa Utah.