April 26, 2024

IANGKOP SA BAWAT PAGKAKATAON AT SITWASYON ANG KASUOTAN

Magandang araw sa inyo, mga Cabalen. Kumusta po ang buhay natin?

Mabuting talakayin natin mga Cabalen ang tungkol sa isa sa mainit na isyu tungkol sa mga kababaihan, bukod sa tumataas na bilang ng kaso ng CoViD-19. Naging kontrobersiyal ang ang pahayag ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan, 19-anyos kaugnay sa pambabastos ng mga kalalakihan. Nagsimula ito sa post ng isang pulis sa social media na hindi raw dapat nagsususot ng mga skimpy clothes ang mga kababaihan para hindi mabiktima ng harassment.

Aniya, wala sa suot ng kababaihan ang problema, kundi ang kaisipan ng mga kalalakihan. Nagpost pa nga si Frankie sa kanyang social media account tungkol dito na “hindi dapat turuan ang mga babae kung ano ang dapat suutin. Kundi, turuan ang mga kalalakihan na magpakatao”. May punto nga naman ang dalaga.

So, hindi raw isyu ang pananamit ng mga kababaihan para matukso ang mga kalalakihan na mang-rape. Kababawan daw iyon.

Kaugnay dito, sinagot ng batikan at matikas na host na si Ben Tulfo sa Twitter account nito— na nasa pananamit din ng mga kababaihan kung bakit natutukso ang mga kalalakihan. Kaya raw nabubuhay ang pagnanasa o tawag ng laman dahil sa suot ng mga babae. Kung kaya, nagkakaroon ng kaso ng dahas o rape. Kaya, hindi daw dapat sisihin ang mga kalalakihang natutukso kapag ginawan ng hindi maganda ang isang babae. Gaya ng harassment o ang matindi pa nga, ang ma-rape sila.

Kaya naman, bubuwelta at rumesbak ang Megastar sa pahayag ni Ben na tila inway ang kanyang anak.

Kahit nakamaong, sweater na turtleneck at makapal na jacket ka pa, kung may masama ang iniisip, masama ang gagawin. Parang pedophiles lang. Nananahimik ang mga batang anghel na inosenteng nakaplay-clothes na di naman long gowns o nakabalot pero pinagnanasaan,” pahayag ng Megastar.

Kung masama ang intensyon, gagawa at gagawa ng paraan ang kademonyohan ng masama. Pero, kung matinong tao kahit pa nakatwo-piece ka sa beach at dumaan ka sa harap niya, wala lang,” aniya.

Lalo pang naging mainit ang isyu nang magpost ang isang netizen na nagbantang ri-reypin si Frankie sa katauhan ni Sonny Alcos. Ayon sa post ni Alcos, kung bata-bata lang daw siya, gagahasain niya si Frankie, kahit tawagin pa ang tatay nitong senador.

Pasalamat ka iha, kung ang edad ko ay 12 yrs.magtago ka na tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo dahil hindi ako makukulong,” post ni Alcos.

Kaya naman, humingi ng tulong kay DOJ Secretary Menardo Guevarra upang mahanap ang lalaki at masampahan ng kaso; dahil sa pagbabanta nito sa kanyang anak.

Mahalaga ang isyu nito mga Cabalen dahil nakasalalay dito ang kapakanan ng ating mga anak na babae. May punto ang bawat panig.

Sa aking pananaw, tama na maaring suutin ng mga kababaihan ang maibigang suutin. Gayunman, iangkop sa bawat pagkakataon at sitwasyon ang kasuutan. Tama na nasa tao rin kung ano ang dapat niyang gawin, malaya ang bawat isa (mga kalalakihan na gawin ang kanilang gusto)— kung ito ay sa makabubuti o masama.

Kaya lang, matutukso sila kapag nakakita ng bagay na nakakapukaw ng kanilang atensiyon. Ika nga, kapag yung ‘devil wear’s prada, it something like it hot”. Kung kaya, hangga;t maaari, maging responsible ang mga kababaihan sa kanilang kasuutan para hind maging mainit sa mata ng mga masasamang elemento.