April 27, 2024

5 RESCUERS PATAY SA HAGUPIT NI KARDING (Sa Bulacan)

KINILALA ni Governor Daniel Fernando ang 5 miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Bulacan na nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa gitna ng paghambos ng super bagyong Karding.

Sila ay sina George Agustin, Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin,  Jerson Resurreccion at Marby Bartolome.

Sakay ang mga biktima ng army truck papasok ng barangay ngunit hindi kinaya ng truck dahil sa taas ng tubig,  kung kaya’t nagpasya silang  lumipat  sa bangka upang makarating sa lugar kung saan mayroon silang ire-rescue. Ngunit sa hindi inaasahang insidente ay bumagsak ang isang pader habang dumadaan ang bangka ng mga rescuer.

Ang kanilang mga katawan ay natagpuan sa Sitio Banga Banga, Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan at dinala ang kanilang mga labi sa Glory to God Funeral Service.