April 26, 2024

ANGEL LOCSIN, NA-TRAUMA SA KANYANG COMMUNITY PANTRY BIRTHDAY CELEBRATION

Okay lang naman ang tumulong sa kapwa tao niyang nagugutom ang aktres na si Angel Locsin. Pero sana sinabi niya sa Social Media na hanggang 300 lang ang mabibiyayaaan nang kanyang tulong.

Kaso mo buong Pilipinas at buong mundo ang nakapanood sa Facebook, Twitter at Youtube ng kanyang pangungumbida.

Isa pa sana, inayos niyang mabuti ang pakikipag-coordinate sa lugar na pinagdausan ng kanyang Community Pantry.

Hayun mukhang marami siyang naapakan, kaya katakot-takot na bash at reklamo ang kanyang inabot sa social media.

Tama lang iyan manahimik muna siya sa pagbibigay niya ng ayuda, iba na kasi ang dating.

Meron ngang nagsasabi na matapos n’yang tirahin ang Presidente. Heto at ginamit niya ang kanyang birthday para sa community pantry niya na may iba daw pakay ang actress.

Hay ang gulo, kaya tama lang na tumigil muna siya sa pamimigay ng ayuda. At sana bago niya unahin ang iba, tulungan naman niya iyong mga reporter na kahit papaano ay nakakatulong sa kanyang showbiz career.