April 26, 2024

Ang Pagkapoot ng Sanlibutan (Juan: 15:18-27)

Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan,dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin bago sa inyo.”

Kung kayo nga’y sa sanlibutan,iibigin kayo nito bilang kanya.Ngunit yamang hindi kayo sa sanlibutan,kundi pinili ko kayo mula rito,ito’y napopoot sa inyo.

Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo:walang aliping higit kaysa kanyang Panginoon.

Kung ako’y inusig nila,uusigin din nila kayo;kung tinupad nila ang aking salita,tutuparin din nila ang salita ninyo.

Ngunit ang lahat ng Ito’y gagawin nila sa inyo dahil sa akin,sapagkat hindi nila nakikilala ang nagsugo sa akin. Kung hindi ako naparito at nangaral sa kanila,disin sana’y wala silang kasalanan.N

gunit ngayo’y wala na silang maidadahilan sa kanilang mga kasalanan.

Ang napopoot sa akin ay napopoot din sa akin Ama.Kung hindi ako gumawa sa gitna nila ng mga gawang kailanma’y hindi nagawa ninuman,disin sana’y wala silang kasalanan.

Ngunit nakita nila ang aking mga gawa;sa kabila nito kinapootan nila ako at ang aking Ama.Datapuwat, nangyari ito upang matupad ang nasasaad sa kanilang Kautusan:’Napopot sila sa akin nang walang kadahilanan.

Ngunit ang patnubayan,ang Espiritu ng katotohanan,ang paparito mula sa Ama.

Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama,at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin.At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, sapagkat sa pasimula pa’y kasama ko kayo.”