April 26, 2024

3 KILABOT NA MANDURUKOT HULI SA CCTV

Inaresto ng mga tanod ang tatlong suspek na sina  Jay-R Dela Cruz, Roger Taniez at alyas Alphine Marquez, kilabot na mandurukot ng mga sumasakay sa mga pampasaherong jeep sa Recto. corner Avenida,  Sta. Cruz, Maynila, matapos silang mamonitor ni kagawad Ryan Lacsina sa kanilang mga CCTV camera  at narekober naman mula sa tatlong nasabing suspek ang isang mamahaling cellphone sa pamumuno ni Barangay 310 Chairman Roland Gacula.