April 26, 2024

3 ARESTADO SA BUY-BUST SA VALENZUELA

ARESTADO ang tatlong katao sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City Police Station sa Santiago St., Fortune 1 sa nasabing siyudad. Narekober sa mga suspek ang siyam na plastic na hinihinilang shabu na aabot sa 35 gramo at buy-bust money na P500.