April 27, 2024

15-ANYOS NA BINATILYO, NAMBOGA SA ISKUL, 3 PATAY, 6 SUGATAN

Isang 15-anyos na bagets student ang namaril sa Oxford High School sa Michigan. Kung saan, nasawi ang 3 estudyante at 6 ang sugatan kabilang ang isang titser. Ayon sa Oakland County Sheriff office, gumamit ang suspek ng semi-automatic handgun.
Nagpaputok ito ng 15 hanggang 20 beses sa loob ng eskuwelahan. Na ginawa ng bagets sa loob ng 5 minuto.


The suspect fired multiple shots,” ani Undersheriff Michael McCabe.


There’s multiple victims. It’s unfortunate I have to report that we have three deceased victims right now, who are believed to be students, aniya.


Sa ngayon ay nasa costudy na ng otoridad ang bagets na namaril. Aniya, kumbinsido sila na mag-isa lang ginawa ng binatilyo ang pamamaril. Inaalam pa nila kung ano ang rason o motibo nito sa ginang gun shooting.