Opisyal nang kinuha ng Chicago Bulls si Billy Donovan bilang bagong head coach. Nang malaman ito ni Zach LaVine, labis siyang natuwa.
Nakarating kay LaVine ang balita habang naglalaro siya ng ‘Call of Duty’.
‘Damn, we just got Billy Donovan as our next head coach… wow, that’ll be good,” reaksyon ni LaVine sa kanyang Twitter account. Bukod kay LaVine, nagalak din ang ilang players ng Bulls. Kabilang na rito si Ryan Arcidiacono.
‘Can’t wait to finally play for coach Donovan,’ ani nito sa Twitter.
Kahit na si Washington Wizards guard Bradley Beal ay natuwa sa pagiging coach ni Donovan sa Bulls.
Titimunan ni Donovan ang young talents sa roster ng Bulls. Bukod kay LaVine, kasama sa young guns ng Chicago sina Lauri Markkanen, Coby White at Wendell Carter.
Gayundin ang No.4 pick sa 2020 NBA draft. Inaasahang magiging explosive team ang Bulls sa susunod na season ng NBA.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na