May 5, 2024

YULO NG ‘PINAS GOLD SA INDIVIDUAL AT SILVER SA MEN’S SQUAD NG 32ND CAMBODIA SEAG GYMNASTICS

GINIYAHAN ni Gymnastic ace Carlos Edriel Yulo ang  national men’s squad sa panibagong  runner-up finish habang napanatili niya ang kanyang

individual all-around crown sa pagsambulat ng gymnastics competitions ng 32nd Cambodia Southeast Asian Games sa  Phnom Penh kahapon.

Sumandig sa matinding scores sa  floor exercise (14.350), vault (15.00), parallel bars (14.00) at rings (14.150) upang sapawan  niya ang mahinang puntos sa  pommel horse (12.650) at high bar (12.90), nalikom ni Yulo  best individual tally na 84.00 points.

Malaki ang agwat ng  Pinoy phenomenal gymnast sa karibal na  Vietnamese Thang Tung Le at Phung Tanh Dinh, na tumapos ng silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

 Kaagapay naman ni Yulo sa men’s team silver(302.50 points) sina Yulo  Juan Miguel Besana (73.70), Jan Gwyn Timbang (71.90), John Ivan Cruz (62.050) at Justine Ace de Leon (60.250).

Pero madaragdagan pa ni Yulo sa kanyang koleksiyon ayon kay gymnastics secretary general Rowena Bautista, ang  natioal team manager.

Ang apparatus finals ay magsisimula  ngayong 2 n.h.(3 n.h.sa Manila) sa  floor exercise, pommel horse at  rings.