Ang YouTube ngayon ang isa sa sikat na flatform sa mundo ng internet o cyber space. Maraming personalidad ang sumikat sa flatform na ito. Dahil sa kasikatan nito, nauungusan na nito ang telebisyon.
Pati mga balitang hindi napapanood sa TV ay naibabahagi rito. Gayunman, bakit tila sinasala nito ang balita. May karapatan ang YT na i-block ang malisyosong channel o account. Kasama na rito ang balita.
Pero, kung katotohanan naman ibinabalita, bakit gagawin nila ito? May nais bang itago ang YT? Kung hindi pabor sa iba o sa kanila ay haharangin nila. Ayaw na botong maisiwalat talaga ang katotohanan. Na dapat malaman ng madla.
Kagaya ng ginawa nito sa isang tagapag-balita ng NET 25 na ‘Mata ng Agila’. May YT account ang nasabing news program. May video itong in-upload sa YT. Makalipas lamang ang ilang oras, na-blocked na ang nasabing video pati na ang account. Kaya hindi na mapanood ng viewers. Ayon sa NET 25, wala naman silang nilabag na palatuntunan ng nasabing flatform.
Kaya, nagtataka sila kung bakit naka-blocked ang nasabing account o channel ng Mata ng Agila? Kagaya ng ginawa sa isa ring news organization na Wion sa bansang India. Takot ba si lolo na malaman ng tao ang tunay na mga pangyayari?Lumalabas tuloy na sinisikil nito ang malayang pamamahayag? Papayag ba ang ibang news organization dito, gayung naghahatid ang iba ng totoong balita?
Sino kaya ang nasalikod nito? Harinawang huwag nang maulit ang nangyari. Dahil baka dumating ang panahon, isa na rin ang YT sa hindi panoorin ng tao.
More Stories
Araw ni Rizal, Ginunita
Huling Tula ng Pambansang Bayani
ANG KANLURANGĀ DAGAT NG PILIPINAS