Bagama’t natalo sa kanyang pag-upak sa UFC 257 laban kay Dustin Poirier, hindi papipigil si Conor McGregor na muling sumalang sa octagon.
Pinatutunayan ni McGregor na wala siyang kinatatakutan. Katunayan, nagpahaging ang Irish fighter na pwede niyang makasagupa ang Youtube sensation na si Jake Paul.
“It is what it is. We’ll see what happens,” saad ni McGregor.
Sa panig naman ni Paul, hiling nito na makaharap ang MMA fighter. Lalo pa’t binubuyo ito ng ilang Youtubers si McGregor na labanan si Paul.
Tinuya rin ni McGregor si Paul at tinawag itong ‘confused little kid.’
“It’s not on the radar at the minute.”
Sa panig naman ni Paul, nagpahaging ito na muli siyang uupak sa Abril 17. Gayunman, hindi nito inihayag ang kanyang makakalaban.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76
D’Engineers chess championship… GM JÒEY ANTONIO, HARI NG RAPIDO!