Ilang oras nawala ang YouTube channel ng ABS-CBN News at ANC matapos itong ma-hack.
Ito ang kinumpirma ng YouTube na na-hack ang ABS-CBN channels noong Nobyembre 2.
“We take account security very seriously and notify account owners when we detect suspicious activity. If an owner has reason to believe their account was compromised, they can notify our team to secure the account and regain control,” ayon sa tagapagsalita ng YouTube.
Maaga pa lang nitong Martes nang sabihin ng ABS-CBN na nalaman na nito ang problema at kanila itong inimbestigahan. Nakipagtulungan din sila sa YouTube upang ito’y resolbahin.
Hindi raw makapasok ang mga user sa parehong channel noong Martes ng umaga kung saan bumungad sa kanila ang isang “404 Not Found” error page.
May nakalagay din na “Video unavailable. This video is no longer available because the YouTube account associated with this video has been terminated.”
Naibalik naman din ang dalawang YouTube channel nitong Martes ng hapon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY