December 25, 2024

YENG GUIAO SA NAKAAMBANG PAGWALIS NG GINEBRA SA NLEX; ‘ HINDI PA TAPOS ANG LABAN’

Hindi nababahala si coach Yeng Guiao ng NLEX Road Warriors sa semis ng PBA Governor’s Cup.Kahit nabaon sila sa 0-2 sa best-o-five ay kumpiyansa pa rin sila na makakapalag pa.Ngayong araw gagawin ang Game 3 at kailangan aniyang kumasa pa ang team.


“This is not yet over. Just one win can change the complexion of the series,”
aniya sa post game interview.


Hindi pa tapos ang laban. Isang panalo lang, maipanalo lang itong Game 3, makakahinga na kami ng maluwag.”


Kung magiging maganda ang opensa at depensa ng NLEX, malaking factor daw. Ang hiling lang niya, buwenasin sila ngayong araw.

Batid ni Guiao na sisipatin ng Ginebra na tapusin na ang serye. Pero, inamin ni coach Tim Cone na mahirap gawin ito.


I don’t think about closing out. I know its going to be tough,” ani. Cone.


Closing out games are always hard. There’s always a desperation on the other side of the floor,” dagdag nito.