November 3, 2024

Year Ender Sports news headline makers ngayong 2020 Part 2

Bubble sa ilang sports league

Dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, ilang pro leagues ang nagpasyang isailalim sa bubble. Kabilang na rito ang National Football League (NFL).

Gayundin ang NHL, Major League Baseball (MLB), WNBA, NBA at iba pa.Sa kabila nito, nairaos ang liga at may itinanghal na mga champion.

No audience sa ilang sports event

Kagaya ng una, ikinasa ang ilang pro sports event kahit may pandemya. Gayunman, mahigpit na ipinatutupad ang health protocols.

Idinaan na lang sa online contact at non-contact sports.Kabilang na rito ang boxing, MMA, e-karate at wrestling (WWE). Lumagare rin ang chess, golf at iba pa.

Pagkansela ng ilang amateur at pro leagues sa Pilipinas

Kinansela ang ilang amateur at pro leagues sa bansa.  Ito’y dahil sa mahipit na ipinatutupad na health protocols at quarantine.

Kabilang na rito ang Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL). Isama pa ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Gayundin ang NCAA at UAAP.

Philippine Olympic Committee (POC) election

Kahit na may pandemya, ikinasa pa rin ang halalan sa Philippine Olympic Committee (POC). Nagwagi pa rin sa eleksyon si Cavite Rep. Abraham’ Bambol’ Tolentino.

Nanawagan si Tolentino sa ilang sports organizations na magkaisa sa halip na magbangayan.Lalo na sa pag-asam ng tagumpay sa Olympics.