May 8, 2024

YASSI PRESSMAN AT DAMIAN LILLARD, NAGKITA SA LOS ANGELES, AKTRES NAGPASALAMAT, INAASAHANG MAGCO-COLLAB SA ISANG SONG

Nagkita kamakailan sina Yassi Pressman at Portland TrailBlazers star guard Damian Lillard sa Los Angeles. Kaya, iniintriga tuloy ang dalawa na may something sa kanila.

Pero, nilinaw ni Yassi na magkaibigan lang sila ni Lillard. Isa pa, isa ang NBA star sa sumuporta sa advocacy ng aktres at singer.

Isa si Lillard sa nagbigay sa donation drive ni Yassi noong nasunog ang ilang bahagi Philippine General Hospital (PGH) noong Mayo. Nagdonate si Lillard ng P1million para rito.

Kung kaya, nakapagbigay ng ayuda at bagong equipment doon. Nagpasalamat si Yassi sa basketball player dahil sa kabaitan nito. Kapwa ambassador din sila ng Adidas kaya naging malapit sila.

It’s about DAM(E) TIME we see each other in person,” ani Yassi kanyang Instagram post. Na kung saan, may picture sila na magkasama ni Lillard.

I wanna say thank you to this big guy for spending time today, for helping me out during my reachout in the PH when the Philippine General Hospital caught fire, & just for being the kind-hearted person that he is,” aniya.

Bukod sa pagiging basketeer, isa ring singrer-rapper si Lillard. Inaasahan na baka magcollab ang dalawa sa isang kanta. Ito ang inaasahan ng mga ans ni Yassi.

Sana mag-collab ang dalawa. Abangan na lang natin.