January 23, 2025

YAP SA BOC: AGRI SMUGGLERS IPAKULONG

Hinimok ni Benguet Rep. Eric Yap ang Bureau of Customs (BOC) na maghain ng airtight, non-bailable cases laban sa mga big-time smuggler ng agricultural goods upang maiparating ang matatag na mensahe sa illegal traders na patuloy na lumalabag sa batas at pinagkakaitan ang mga Filipino farmers ng kanilang kabuhayan.

“Hindi na pwede na puro huli na lang ang nababalitaan natin, pero walang napapakulong? Wala pa rin na smuggler naco-convict, kahit patuloy at harap harapan na silang illegal na nagpapasok ng agri products sa bansa. They’re not even trying to conceal these shipments anymore. Why? Wala naman kasing napapakulong,” saad ni Yap.

Tinumbok ni Yap ang pagkakakompiska sa agricultural products sa Port of Subic noong nakaraang linggo.

 “Halagang P20.193 million – ito ang nasabat na agri products na muntik na makalabas ng port at mabenta sa ating local markets. Higit rin sa halagang ito ang muntik nang maging estimated loss ng ating farmers na nagpapakahirap na itanim, anihin, at dalhin ang mga agri produce sa ating mga hapag kainan,” dagdag ni Yap.

Kinakatawan ni Yap ang Benguet, na isa sa major vegetable-producing provinces sa bansa.

Isinusulong ng solon ang pagpasa sa House Bill 319, na naglalayong na dagdagan pa ang parusa laban sa vegetable smuggling.

Inihain din nina Yap at Davao City Rep. Paolo Duterte ang House Resolution 108 na naglalayong imbestigahan ang patuloy na smuggling ng agricultural products sa bansa.

Binigyang-diin ni Yap hindi lamang pinapatay ng agricultural smuggling ang kabuhayan ng mga magsasaka kundi sa kita ng gobyerno na maari sanang magamit upang mapabuti ang kalagayan ng milyong-milyong maliit na magsasaka