May 19, 2024

YAM CONCEPCION AT HUSBAND, DI PA NAKAKAPAG-HONEYMOON DAHIL SA PANDEMYA

Kahit kasal na si Yam Concepcion kay Miguel Cuunjieng, hindi pa sila nakapag-honeymoon. Aniya, apektado siya sa mga pangyayari ngayon sa mundo. Lalo na ang perwisyong COVID-19. Ikinasal si Yam ay Miguel sa New York.


Kaya, wala pa sa plano nilang couple ang gawin yun. Kasi, nakakaburyong. Wala pa sila sa mood.


“Wala pa. Mahirap ngayon mag-honeymoon. Sa mga nangyayari ngayon sa mundo parang na-gi-guilty naman ako magsaya masyado,” aniya.


“So, darating din tayo sa honeymoon pero ngayon nagha-honeymoon na kami rito sa apartment. Ibang honeymoon. Ha-hahaha!”.


Nasabi pa ni Yam sa isang virtual press conference na suportado siya ng husband niya. Kait anong roles, basta matino, ok lang dito.


“Well hindi naman sa magiging choosy ako (sa mga roles), very supportive naman kasi yung husband ko. So kung ano yung gusto ko gawin, suportado naman niya ako kaya ayun. Kung gusto ko gawin, gagawin ko,” aniya.

Kasama si Yam sa drama-series na ‘Init Sa Magdamag” na malapit nang matapos. Kasama niya rito sina Gerald Anderson, JC De Guzman at Alexa Ilacad.