November 24, 2024

Xmas party i-cash na lang, pwede?


SOONER or later, maglalabas ang IATF ng guidelines tungkol sa mga company Christmas & New Year’s parties. At the rate of COVID19 transmission is doing it is mostly likely the government will prohibit these traditional gatherings. 

Kung ganun, Mam/Sir baka pwede po i-convert na lang sa cash ang mga expenses (food, pang-raffle, prizes etc.) ng mga company gatherings na kagaya nito at idagdag na lang sa Christmas bonus ng mga empleyado. Of course, ibang usapin naman kung bangkarote ang kumpanya at hindi kakayanin ang mag-party. 

Malaking tulong sa mga employees ang dagdag na cash lalung-lalo na sa panahon ng pandemic crisis na dinadanas nating lahat. Company perks like these will surely boost the morale of workers who are suffering a lot. It will surely motivate to work even harder to boost the company. 

Besides, hindi lang kasi para sa kanilang sarili o pamilya ang sakaling additional cash na ito.

Ang perang makukuha ay ipamimigay din sa kanilang mga magulang, kapatid, pamangkin at iba pang kamag-anak na naghihirap din sa crisis na ito. Kung kaya naging instrumento pa ang company sa pagtulong sa mga nagangailangan. Ganda di ba? Spread the blessings ika nga. Push natin ‘to. 

Ang awkward kaya mag-company Christmas at New Year’s party kapag maraming nagugutom sa paligid nyo. So, mga boss pwede kaya?