September 19, 2024

Xander Ford may sex video?

Mariing itinanggi ni Xander Ford na siya ang nasa sex video na kumakalat sa social media.

“Totoo bang may scandal ka? Ang sagot ko ay hindi po kasi una sa lahat is may issue po ako sa ex-girlfriend ko pero walang video na lumabas. Then biglang lalabas na meron po akong scandal sa lalaki?”

Sinabi nito, napakalayo ang hitsura ng lalaki na nasa video.

Ikinumpara niya ang pagkakaroon niya ng tattoo sa kamay at maging kaniyang kilay napa-tattoo na rin niya kaya napakalayo ang hitsura ng nasa video.

“Parang ang layo naman kasi palagi po akong may ganito sa ilong ko. Tapos may scars po ng mga tighiyawat ako. Eto pa po. Tapos meron po akong tattoo sa kamay. Lagi n’yo pong tatandaan na ang kilay ko po ay tattoo. At may mga wrinkles po ako,” paliwanag niya.

“Sobrang kinis ng lalaki doon unlike po ako hindi (makinis). So ang masasabi ko po ay hindi po ako ‘yun.”

Hindi naman nito mapipilit ang mga tao na isipin na siya ang nasa likod ng video basta ang alam niya sa isip niya na hindi siya ang nasa video.

“Pero kung ano po ang nasa utak niyo (ay) kayo na po ang bahalang mag-isip. Basta alam ko sa sarili ko na hindi ako ‘yun. And God bless you sa lahat ng mga mai-issue diyan,” saad niya.

Magugunitang kumalat noong Agosto 11 ang sex video kung saan sinasabing siya ang nasa likod.