May 18, 2024

Daniel Padilla trending sa socmed matapos mabangga ng tricycle driver ang kanyang sports car

Viral sa social media ang video nina Daniel Padilla at tricycle driver na nakabangga sa minamanehong sports car ng naturang aktor.

Ayon sa isa sa mga witness, nabangga ng isang tricycle driver ang minamanehong sports car na Ford Mustang ‘Eleanor’ ng naturang aktor sa kanto ng Dalhia at Regaldo Avenue, Fairview Quezon City.

Ang online seller na si Reynaldo Duron, 25, ang nag-upload sa Facebook ng mga larawan at video ng kinakasangkutang aksidente ni Daniel, na naging dahilan kaya nag-trending ang aktor sa Twitter.

“May narinig kaming sportscar na biglang huminto. Ewan ko kung anong nangyari, biglang nag-break si Daniel.

“After two seconds, may bumanggang tricycle sa sasakyan niya,” bungad na kuwento niya.

“May mga gasgas po ang sportscar ni Daniel, may crack na paint.

https://www.facebook.com/reeyrd7/posts/3863683110315376

“Hindi ko na po napansin kung tinted ang sasakyan niya, nakababa na po ang window niya nang makita ko.”

Bumaba ang aktor sa kanyang sasakyan para kausapin ang naturang driver.

“Bumaba siya, hindi naman siya nagalit, pero siyempre may halong emosyon.

“Nagulat siya siguro, pero nag-usap po sila nang maayos ng tricycle driver, saka nakipag-cooperate silang dalawa.”

Ayon sa eyewitness, “Sa tingin ko po, yung tricycle driver ang may kasalanan. Siya ang nasa likod, siya ang bumangga. Sobrang lapit niya.”

Hindi raw alam ng ibang mga motorista na si Daniel ang sangkot sa aksidente.

Napag-alaman din daw ng eyewitness na nag-abot si Daniel ng isang libong piso sa tricyle driver.

Pinuri naman ng fans at netizens ang kay Daniel dahil sa kabutihan ng puso ng Kapamilya actor.