January 23, 2025

WWE, TULOY KAHIT MAY COVID-19 PANDEMIC

Sa kabila ng banta ng CoViD-19 pandemic, patuloy sa pag-ere ang dalawang World Wrestling Entertainment (WWE) weekly TV shows. Kabilang na rito ang WWE Raw, na ipinalalabas tuwing Lunes at WWE Smackdown ( Biyernes). 

Sa mga nabanggit na palabas, live na nagpe-performed ang mga WWE superstars kahit na walang nanonood na fans. Isinasagawa ang closed-door performance sa WWE Performing Center at training facilities sa Orlando, Florida; kung saan nagbabalibagan ang mga wrestlers. Tanging referees at mga komentaror ang kasama sa live taping.

 “Prevention is better than cure. Safety comes first. But we will continue to give the fans the click that they want,” pahayag ni WWE CEO Paul Levesque o mas kilala  bilang si Triple H.

Kaugnay dito, tiniyak ng mga kinauukuan ng WWE na hindi peligroso ang kanilang ginagawang hakbang para mapaligaya ang WWE universe sa iba’t ibang panig ng mundo. Bagama’t hindi sila live na nakapapanood, napapasaya ng show ang fans sa panood sa live streaming nito at sa telebisyon. Sapol noong Marso, pansamantalang itinigil ng WWE ang episode ng Raw at Smackdown, kung saan maaaring mapanood ng audience ang kanilang live performances sa mga arena.

Ito ay upang mapangalagaan ang kapakanan ng fans at ng kanilang mga talents. Sinisiguro rin ng WWE na bago sumalang ang kanilang mga wrestlers sa lona, negatibo ito sa virus. May isinasagawa silang hakbang para rito at regular ang tests sa mga WWE wrestlers.

‘We believe it is now more important than ever to provide people with a diversion from these hard times,’ pahayag ng WWE .

‘We are producing content on a closed set with only essential personnel in attendance following appropriate guidelines while taking additional precautions to ensure the health and wellness of our performers and staff.’

Sa kabila ng pandemic, nairaos ng WWE ang ilang pay-per-views nito mga o espesyal na WWE monthly shows gaya ng Wrestlemania 36, Money in the Bank at Backlash; na pawang rekado sa takbo ng storyline ng bawat ginagampanang papel ng WWE superstars.

Gayunman, inamin ng WWE na may ilan sa kanilang staff, WWE developmental talent at personnel na tinamaan ng sakit.Ngunit,iginiit ng pamunuan nito na ang  mga nagpositibo ay walang direktibang pakikihalubilo sa kanilang mga talents.