May 17, 2024

U.S. PRES. DONALD TRUMP, MAY NALALAMAN SA ROSWELL INCIDENT

Sa isang panayam kasama ang kanyang anak na si Don Trump Jr. sa isang Father’s Day-theme , ibinulalas ni U.S. President Donald Trump na mayroon siyang alam tungkol sa Roswell incident. Ani Trump, may kabatiran siya tungkol sa UFO crash.


There are millions and millions of people who want to go [to Roswell], who want to see it,” ani Trump .

 “I won’t talk to you about what I know about it, but it’s very interesting.”

Roswell is a very interesting place with a lot people who would like to know what’s going on,” aniya.

Inihayag din ni Trump na hindi siya naniniwala noong una tungkol sa UFO. Subalit, sinagot niya ang kanyang pananaw niya ngayon tungkol dito nang makapanayam ng ABC News. Aniya, naging topic nila sa isang brief meeting ng kanyang gabinete ang tungkol sa UFO dahil maraming tao ang nagsasabing nakakakita sila ng kakatwang behikulo.

Giit ni Trump, hindi siya gaanong naniniwala sa mga kuro-kuro at mga sabi-sabi ng mga tao na nakakakita sila ng UFO.Aniya, mas interesado siya tungkol sa Roswell Incident. Gayunman, hindi niya inihayag ang nalalaman niya sa naturang aspekto o UFO incident.