
Tinabla ng World Wrestling Entertainment (WWE) ang broascast partnership nito na Match sa Russia. Ito ay dahil sa ginawang pagkubkob ng nasyon sa bansang Ukraine. Kinondina ng wrestling giant ang ginawang hakbang ng Russia sa Ukraine. Kung saan, maraming sibilyan ang nadamay sa ginawang invasion.
Katunayan, inalis na nito ang WWE Network sa Russia. Gayundin ang pagbaklas sa pagpapalabas ng Smackdown at iba pang events gaya ng ‘WrestleMania’.
“WWE has terminated its partnership with Russian broadcaster Match and shut down WWE Network in Russia effective immediately,” ayon sa post.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT