November 3, 2024

WWE SUPERSTAR ‘THE UNDERTAKER’ NAGRETIRO NA

Sa loob ng kabuuang 26 taong pakikipagkaldagan sa wrestling arena, opisyal nang nagretiro sa World Wrestling Entertainment si WWE Superstar ‘The Undertaker’.

Ang tinaguriang ‘The Phenom’ at ‘Deadman’ na si Mark Lucas Calaway sa totoong buhay ay naging pro wrestler noong 1987. Pagkalipas ng tatlong taon, sumabak siya sa World Wrestling Federation (WWE na ngayon), kung sana nagdebut siya noong November 22, 1990, kung saan sinopresa niyang talunin si Hulk Hogan.

Inanunsiyo ni Undertaker ang kanyang pagretiro sa final episode ng ‘The Last Ride’ documentary sa WWE Network. Sa kabuuan, mayroong wrestling career record si Calaway na 543 wins, 184 losses at 65 draws. Ilan sa kanyang carrer highlights ang pagkanapalo sa 2007 Royal Rumble, 4-time WWE champion, 3-time World Heavyweight champion, 6-time WWE champion, WCW champion at Hardcore champion.

 “You can never appreciate how long the road was until you’ve driven to the end,” post ni Undertaker.

Gayunman, may posibilidad pa ring bumalik sa wrestling arena ng 55-anyos na si Calaway.

 “If Vince [McMahon] was in a pinch, would I come back? I guess time will only tell, there. In case of emergency, break glass, you pull out the Undertaker, I would have to consider that. Never say never, but at this point in my life and my career, I have no desire to get back in the ring. … I’ve got a pit in my stomach right now,” aniya.

“This time, the cowboy really rides away.”

Sa kanyang wrestling career, si Undertaker ay nakapagtala ng 24-2 sa Wrestlemania. Ilan sa kanyang matitikas na nakaharap dito ay sina ‘Superfly’ Jimmy Snuka, Jake ‘The Snake’ Roberts, King Kong Bundy, Giant Gonzales, Diesel, Psycho Sid, Big Boss Man, Big Show A-Train, Kane, Randy Orton, Edge, Rick Flair, Mark Henry, Batista, CM Punk at John Cena. Dalawang beses niya namang nakaharap sina Shawn Michaels at Triple H.

Natalo naman siya kina Brock Lesnar at Roman Reigns. Ang kanyang huling natalo ay si ‘The Phenomenal’ AJ Styles sa ‘Boneyard Match’ nitong nakaraang Abril sa  Wrestlemania 36.