Upang makaiwas sa krusyal na ratings war, inilipat ng World Wrestling Entertainment ang WWE show na NXT sa ibang araw.
Mula Wednesday nights, inilipat ito sa Tuesday nights upang makaiwas sa mga bigating karibal.
Ito ay ang All Elite Wrestling (AEW) Dynamite at NHL Play-offs. Sapol nang mapanood sa Tuesday nights, tumaas ang ratings ng NXT.
Ayon sa ulat, umani ng 849,000 viewers at 0.26 rating ang NXT noong September 1. Ito ang tenth highest noong gabing iyon sa cable.
Ang rating ng NXT ngayong taon ay may average na 842,000 viewers. Kumpara sa 800,000 viewers noong katapat pa nila ang AEW.
Ungos sa ratings ang AEW Dynamite sa loob ng 36 weeks. Kaya, gumawa ng paraan ang WWE developmental team.
“To me, there’s a moment in time when you begin something and it’s very exciting and it’s fresh and there’s some interest in it, certainly.”
“But it’s a big world. We continue to be focused on our product, continue to be focused on the development of our stars and our performers,” ani Triple H na siyang namamahala ng NXT.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2