
Nakatakdang bumalik sa wrestling ring si WWE legend Rick Flair ngayong darating na summer. Aniya, nais niyang makipagkaldagan uli bago opisyal na magretiro sa edad na 73.
Sapol noong 2011, hindi na sumalang sa wrestling ang binansagang ‘The Nature Boy’. Natigil siya matapos harapin si wrestling great Sting sa TNA impact. Subalit, babalik muli ang WWE icon July 31. Ito na rin aniya ang huli niyang laban.
“I’m going to walk that aisle one last time, to prove once and for all that to be the man, you’ve got to beat the ‘Man”, aniya.
Kung sakali, idaraos ang magiging farewell match niya sa Nashville Fairgrounds. Sa ngayon, wala pa siyang makakalaban. Ngunit, pinaplantsa na kung sino ang kanyang makakatapat.
Nagsimula ang legendary career ni Flair noong 1972 sa American Wrestling Association. Subalit, mas nakilala ang tubong Tennessee sa WCW at WWE.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT