Ipinahayag ni WWE legend at Hollywood star Dwayne ‘The Rock’ Johnson sa Coronavirus (COVID-19). Ayon sa tinaguriang ‘The Brahma Bull’, nahawa din sa naturang sakit ang kanyang misis at dalawang anak.

“I wanted to give you guys a little helpful update on things that have been going on on my end for the past two-and-a-half to three weeks now. “
“So the update is this: my wife Lauren as well as my two baby girls and myself, we have all tested positive for COVID-19,” ani Johnson sa video na pinost sa kanyang Instagram account.
Sinabi nitong ang naging sintomas ng kanyang 2 anak ay sore throat lamang. Subalit, sila ng manyang misis ang lubhang nahirapan.
Aniya, sa sariling bahay isinagawa ang bonding kasama ang mga malalapit na kaibigan. Kaya naman, sinabi ng bida sa ‘Tooth Fairy’ at ‘Jumanji’; na dapat mag-ingat ang publiko sa papapasukin sa bahay.
Paalaala niya, dapat magsuot ng faceshield ang publiko. Hangga’t maaari, yung papatuluying bisita ay dapat dumaan sa COVID test.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo