December 24, 2024

WWE ‘HALL OF FAMER’ SCOTT HALL, PUMANAW SA EDAD NA 63

Pumanaw na si WWE legend at 2-time ‘Hall of Famer’ na si Scott Hall (63) matapos bumigay sa life-support. Ikinalungkot ng WWE universe at wrestling fans ang pagpanaw ng binansagang ‘ Razor Ramon’.Nagdusa ang retired wrestler ng tatlong heart attacks. Isinugod siya sa ospital nitong Lunes dahil sa blood clot.


Kaugnay sa kanyang pagkamatay, nagbigay pugay naman ang mga wrestlers sa pagsisimula ng Monday Night RAW. Nagpaabot din ng pakikiramay sa social media ang ilan.


Pati na rin ang ilang wrestling company na WWE, TNA Impact at AEW. Kabilang na si ‘Dwayne ‘The Rock’ Johnson, Paige at Mickie James. Gayundin si Sting, Matt Hardy, Joe Henning, Trish Stratus, Mick Poley at Triple H.


Heart breaking, HUGE loss. He definitely made us all better – helped me with that one-of-a-kind Scott Hall insight. So many “Too Sweet” memories,” post ni Sting.


Scott – you will be missed,” aniya.


Lumusong si Hall sa wrestling arena noong 1984 sa edad na 26. Nagretiro siya noong 2010 at nailuklok sa Hall of Fame taong 2014.

Noong 2020, muli siyang nailuklok dito dahil sa kasama siya sa faction na ‘NWO’. Kasama sina Kevin Nash, X-Pac at Hollywood Hulk Hogan.