Dahil sa tumigil na sa pagri-wrestling si WWE star Brock Lesnar, may bagong alaga ang manager na si Paul Heyman.
Ito ay sa katauhan ni Roman Reigns na siya ngayong WWE Universal Champion. Katunayan, kasa-kasama ni Heyman ang tinaguriang ‘The Big Dogg’ sa pagrampa nito sa lona noong WWE Payback 2020.
Umugong ang balitang sasalang si Lesnar sa UFC at sa karibal ng WWE na All Elite Wrestling (AEW). Kaya, kay Reigns na siya naka-focus.
Inalagaan ni Heyman ang dating kliyente na si Lesnar sa loob ng 18 taon. Ngayon, patitikasin nito ang papel ni Reigns na isa nang ‘anti-face, anti-heel.
Ang face term sa WWE ay ‘bida’ at ang heel naman ay ‘kontrabida’. Kaya,nagulat ang WWE fans na ang dating kalaban ng alaga ni Heyman na si Lesnar; ay kasama na nito ngayon.
Gayunman, magandang anila ang storyline sa pagitan ng dalawa.
“Nah, I like talking for myself,” ani Reigns sa tambalan nila ng dating ECW owner.
“That’s how you grow and it’ll be cool to get those long, solo promos. Working with Paul, there’s nothing wrong with just sitting there like a boss and let your attorney do the talking.”
“Let him talk the logistics, and I’m sure Paul won’t have a problem reading off my resume, it’ll take awhile.”
“But he’s pretty good with stuff like that. But I would still want to talk for myself, 100 percent,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2