Balak plantsahin ng pamunuan ng WWE ang bakbakan sa pagitan nina WWE champ Drew McIntyre at boxing champ Tyson Fury. Ito mismo ang kinumpirma ni WWE’s executive vice president Triple H.
Ayon kay Hunter Herst Helmsley (si Triple H sa totong buhay), kung gusto aniya ni Fury (32) na lumaban, tumawag lang ito sa kanya.
‘If he wanted to fight he just needs to give WWE’s executive vice president a call,’ aniya.
“We could make Drew McIntyre v Tyson Fury work out, Tyson has got my number – we will make a call.
Nag-ugat ang konseptong ito nang hamunin ng tinaguriang ‘Gypsy King’ si McIntyre. Katunayan, may pinost na video ang WBC heavyweight boxing champ sa social media kaugnay dito.
Ganun din ang ginawa ng 35-anyosna si Scottish wrestler. Kung saan, hinamon nito si Fury para sa ‘Battle of Britain’ showdown.
“Tyson Fury is one of those fighters that sometimes now finds himself in a position where, does Anthony Joshua want to fight him?”
Unang sumalang si Fury sa wrestling noong mabigyan ito high-profile cameo noong nakaraang October 2019. Kung saan dinaig nito si Braun Strowman sa WWE Crown Jewel na idinaos sa Saudi Arabia.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!