May 15, 2024

FRONTLINERS BIBIGYAN NG BISIKLETA NG CAINTA LGU

NANINIWALA ang pamunuan ng Cainta Rizal Government na malaking tulong ang 10 bisikleta na ibinigay ni Sen. Pia Cayetano sa tanggapan ni Cainta Rizal Mayor Keith Nieto para gamitin ng mga frontliners.

Ayon kay Mayor Nieto hindi na mahihirapan pa ang mga frontliners na papasok sa kanilang trabaho dahil mayroon na silang service na magagamit at malaking tulong pa sa kanilang kalusugan ang pagbibisekleta.

Paliwanag ng alkalde natutuwa siya dahil maraming mga tulong ang kanyang natatanggap mula sa iba’t ibang indibidwal, kumpanya at mga opisyal ng gobyerno, na kanya namang ibinabahagi sa mga Frontliners maging sa mga may Covid-19 na naka-home quarantine.

Sabi pa ni Nieto na natutuwa ang mga frontliner makaraang mabalitaan nilang bibigyan sila ng bisekleta upang magamit papasok sa kanilang pinapasukang opisina.