December 25, 2024

World Hall of Fame award ni GM Torre, matayog na handog sa Filipino

NARATING na ni Grandmaster Eugene Torre ang pinaka-tore ng pedestal sa larangan ng ahedres mundial.

Ang Pinoy gem ay na-induct kamakalawa bilang World Chess Hall of Fame sa Union Station, Missouri sa Estados Unidos.

“Chess has been an incredible blessing in my life, providing cherished memories and experiences that will remain with me forever,” wika ni Torre matapos tanggapin ang gawad. “This  peat is for Sambayanang Filipino”.

Si Torre na itinuturing na simbolo, idolo at buhay na alamat sa Philippine chess, ang siyang  kauna-unahang Asian grandmaster na natamo  noong 1974 matapos masungkit ang  silver medal ng 21st Chess Olympiad sa Nice, France sa edad na 22. Siya ang itinuring na pinakamatatag na chess player na nai-produce ng Pilipinas noong dekada ’80 at ’90.

Ang recepient ng naturang gawad-parangal ng pagkilala pang-daigdig ay kabilang sa iba pang  hall of famer sa mundo na pinili na noong 2021 pero kamakalawa lang pormal na iginawad  sa maestro grandeng si Torre.