Maglalaro sa Japan ang Washington Wizards at Golden State Warriors sa NBA pre-season games. Dalawang beses silang maghaharap sa Saitama, Japan. Idaraos ito sa Sept.30 at Oct. 2 bago ang official start ng 2022-23 NBA season.
Mismong NBA ang naglahad nito na dalhin ang laro sa Japan.Na unang ikinasa noon pang 2019 bilang overseas games.
Inaasahang dadagsa ang 36,500 spectators sa Saitama Super Arena kapag naglaro na sila. Babandera sa Washington ang Japanese cager na si Rui Hachimura. Si Hachimura ay nilambat ng team via ninth overall pick noong 2019 NBA Draft. Siya rin ang tubong-Japan na na-drafted sa first round pick.
“ I am very excited to bring Wizards basketball to Japan,” aniya sa isang news release.
“ I cannot wait to see the arena filled with fans getting to see NBA basketball in person,”dagdag pa nito.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2